10 pang pasahero ng cruise ship sa Yokohama, Japan nCoV-positive

0
27

Sampu (10) pang pasahero ng cruise ship na nasa Yokohama, Japan ang nagpositibo rin sa 2019 novel coronavirus acute respiratory disease (2019 nCoV-ARD).

Sumasailalim sa dalawang linggong quarantine ang halos 4,000 pasahero at crew ng Diamond Princess cruise ship matapos una nang magpositibo ang 80-taong gulang na Hong Kong national sa 2019 nCoV-ARD –pagkadaong ng cruise ship sa Yokohama noong isang buwan.

Una nang nagpositibo sa 2019 nCoV-ARD ang 10 pasahero ng nasabing cruise ship kabilang ang isang Pinoy crew member kaya’t ipinadala na ang mga ito sa medical facilities.