10 miyembro ng Gilas Pilipinas pinasusupindi ng FIBA

0
115

Nagdesisyon na ang FIBA sa kinasangkutang rambol ng Gilas Pilipinas at koponan ng Australia.

Sa desisyon ng FIBA Disciplinary Panel, pinasususpindi nito ang sampung miyembro ng Gilas at dalawang coach nito.

Bukod dito, pinagmu-multa rin ang Philippine at Australian national teams.

Ayon sa FIBA, naglunsd na sila ng disciplinary proceeding matapos ang laro sa pamamagitan ng disciplinary panel nito.

Kabilang sa mga sinuspindi ng FIBA at hindi na makakapaglaro sa FIBA Basketball World Cup 2019 qualifiers dahil sa ‘unsportsmanlike behavior’ sina Calvin Abueva (6 na laro), Roger Pogoy, Carl Cruz at Jio Jalalon na suspendido sa tig-limang laro.

Tig-tatlong game naman suspendido sina Terrence Romeo, Jayson Castro, William Andray Blatche at Jeth Rosario samantalang tig-isang laro sina Japeth Aguilar at Matthew Wright.

Wala namang ipinataw na parusa kay Gabe Norwood.

Suspendido rin ng tatlong laro si assistant coach Joseph Uichico at isang laro kay head coach Chot Reyes.

Pinagbabayad din si Reyes ng disciplinary fine ng 10,000 Swiss Franc halos anim na raang libong piso dahil sa pambubuyo para magalit ang Gilas players

Sinuspinde rin ng FIBA ang officiating crew sa naturang laro.