32.2 C
Manila
Thursday, February 22, 2024

10 deep wells planong itayo ng Baguio Water District taun-taon

- Advertisement -

Baguio City – Ninanais ng Baguio Water District (BWD) na magpatayo ng sampung deep wells sa stratehikong lugar ng lungsod ng Baguio at sa mga karatig lugar upang matiyak ang matatag na supply ng tubig na ligtas na maiinom para sa dumadaming bilang ng gumagamit nito sa lungsod ng Baguio.

Sa taong ito, sinabi ni BWD general manager Engr. Salvador M. Royeca na ang pagtatayo ng sampung deep wells ay nakahanda na bagaman ang ilan sa kanila ay nagsimula noong nakaraang taon. Ang ilan sa kanila ay pinunduhan mula sa utang ng Water Disrict sa Development Bank of the Philippines (DBP).

Inihayag din ni Royeca na ang minimum production ng bawat isang deep well ay 140 gallons bawat minute at ang pinagsama samang production ng sampung deep wells ay mula sa 3,500 hangang 5,000 cubic meters bawat araw na magdadagdag sa kasalukuyang kapisidad ng Baguio Water District.

Sinabi ng naturang opisyal ng BWD official na ang pagtatayo ng bawat isang deep well ay nagkakahalaga mula 6 hangang 10 milyong piso na maaring makuha sa nabuong kita o sa hinaharap na mga pautang nakuha sa iba’t ibang mga institusyong pinansyal. (Joel Cervantes | Jimmy Bernabe, photo courtesy of PIO Baguio)

- Advertisement -

Leave a Reply

- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -