10 days bereavement leave isinusulong sa senado

0
40

Isinusulong sa senado na pagbibigay ng 10 araw na leave ang mga private at government employees na namatayan ng mahal sa buhay.

Ayon sa Bereavement Leave Act of 2019 na panukala ni Senador Grace Poe, ang pagkawala ng isang mahal sa buhay ay nagdudulot ng matinding lungkot na nakaaapekto sa emosyonal at pisikal na aspeto ng isang tao.

Layon nitong mabigyan ng sapat na panahon ang isang empelyadong namatayan ng panahon para magdalamhati.

Ipagkakaloob ang bereavement leave sa isang namatayan ng immediate family member tulad ng asawa, magulang, anak o kamag anak hanggang third degree of affinity.