27.8 C
Manila
Thursday, April 18, 2024

1 patay, 12 arestado sa anti-drug ops sa Cavite

- Advertisement -

Isa katao ang patay  habang 12 iba pa ang arestado sa isinagawang sabayang anti-drug operations ng Philippine National Police (PNP) at Philippine Drug Enforcement Agency o PDEA sa Bacoor, Cavite ngayong araw.

Kinilala ang nasawing drug suspect na si Rey Balandra, residente ng barangay Talaba.

Ayon kay Cavite Provincial Director Sr. Supt. William Segun, nakumpiska mula kay Balandra ang isang kalibre .45 na baril at ilang sachet na naglalaman ng hinihinalang shabu.

Base sa report, nanlaban umano ang suspek sa mga pulis na maghahain lang sana ng search warrant.

Ang 12 pang drug personalities na naaresto sa isinagawang operasyon ng mga awtoridad ay mula sa barangay Talaba at barangay Habay 2.—AR

—-

 

 

 

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -