36 C
Manila
Wednesday, April 24, 2024

1 patay, 11 sugatan matapos mahulog ang isang van sa Benguet

- Advertisement -

Nasawi ang 1 katao habang 11 naman ang sugatan nang mahulog ang sinasakyang van sa bangin sa bayan ng Tuba, Benguet kaninang umaga.

Ayon sa pinuno ng Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office na si Jonathan Labutan, dead on the spot ang isang lalaking biktima dahil sa naturang insidente.

Batay naman sa inisyal na imbestigasyon, nawalan ng preno ang van mula sa Sitio Toybongan sa Barangay Tabaan Norte hanggang puso, dahilan para mahulog ito sa bangin.

Samantala, agad namang naisugod sa Baguio General Hospital at Baguio Medical Center ang 11 sugatan.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -