34 C
Manila
Tuesday, April 16, 2024

1 Patay, 11 Arestado Ng Salakayin Ang Isang Drug Den Sa Naga City

- Advertisement -

Patay ang isang Drug Personality sa Naga City ng manlaban sa mga pulis sa kasagsagan ng pagsalakay sa kilalang drug den sa barangay Concepcion Pequeña alas-2 ng madaling araw . Kinilala ang tulak na si Dino Dañas, anak ng isang dating judge.

Sa bisa ng Search Warrant na ipinalabas ng korte, sinalakay at hinaluglog ng Regional Enforcement Unit at City Drugs Enforcement ng PNP ang residensya nito na pugad umano ng kalakalan ng droga at sugal.

Natunugan ng suspek ang pagdating ng mga awtoridad kung kaya umakyat ito sa kwarto at doon kumuha ng baril. Dito na napilitan ang tropa na paputukan si Dañas na dead on the spot dahil sa tama ng baril.

Nakuha sa drug den ang ilang sachet na hinihinalang may laman shabu at kalibre 38 baril ng suspek. Arestado rin ang 11 iba pang personalidad na naaktohan nasa lugar at mayroon mga nakataas.

Ayon sa kapitan ng barangay na si Wewen Regmalos pudpod na ang kanyang dila sa pagsaway sa mga ito ngunit nanatili pa rin sa ilegal na gawain. Matagal na rin umanong reklamo ito ng mga residente sa lugar kung kaya nagpasalamat ito sa at tuluyan ng mahihinto ang operasyon ng drug den.

(Source: Radyo Bicolandia News Online, photo courtesy by Kap Wewen Regmalos)

- Advertisement -

Leave a Reply

- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -