1-milyong pisong pabuya laban sa apat na ipinaaarestong dating kongresista ini- alok ng isang grupo

0
67

Nag-alok ng isang milyong pisong pabuya ang grupong Citizens’ Crime Watch sa sino mang makapagbibigay ng impormasyon para sa pag-aresto kina NAPC Commisioner Liza Maza, Dating Agrarian Reform Secretary Rafael Mariano at kina Dating Bayan Muna Partylist Representatives Satur Ocampo at Teddy Casiño.

Ayon kay CCW President Diego Magpantay, nagmula ang nasabing reward money mula sa ilang mga hindi na pinangalanang concerned citizens.

Aniya, tig 250,000 ang iniaalok na pabuya sa bawat impormanteng makapagbibigay ng impormasyon sa apat na dating mga mambabatas na nahaharap sa kasong murder.

Hinimok naman ni CCW member Atty. Ferdinand Topacio ang publiko na makipag-ugnayan sa pambansang pulisya sakaling may impormasyon sa apat na dating mambabatas at huwag nang tangkain pang magsagawa ng citizen arrest.

Una nang kinondena ng mga grupong Makabayan ang pagpapalabas ng arrest warrant laban sa dating mga mambabatas dahil sa umano’y gawa-gawang kaso.