1-M peso reward sa makapagtuturo ng pumatay sa exec asst ni Ex-Mayor Junjun Binay inilabas na

0
48

Nag alok ng isang milyong pisong pabuya si dating vice president Jejomar Binay para sa sinumang makapagbibigay ng impormasyon na makapagtuturo sa mga nasa likod ng pananambang sa executive assistant ni dating Makati mayor Junjun Binay.

Ayon kay Binay, nalulungkot ang kanilang pamilya sa nangyari kay Monalisa Bernardo na anya’y 30 taon nang kaibigan ng kanilang pamilya.

Kasabay nito ay nanawagan si Binay sa mga mamamayan ng Makati na huwag nang painitin ang sitwasyon sa pamamagitan ng pagpapakalat ng kung ano anong ispekulasyon.

Hindi inaalis ni Binay ang posibilidad na magamit ang kasalukuyang sitwasyon para isulong ang kanilang pansariling interes.

Si Bernardo ay binaril ng dalawang suspeks na sakay ng motorsiklo sa kanyang bahay sa Barangay Olympia Makati City.