31.9 C
Manila
Thursday, March 28, 2024

1 Bagong upo na kapitan at 3 pa arestado sa operasyon ng North Cotabato

- Advertisement -

Arestado ang isang bagong upong barangay captain sa North Cotabato sa pwersa ng Philippine Drug Enforcement Agency XII at Kabacan Municipal Police Station, Special Action Force Battalion at 7th Infantry Battalion matapos ang pagsasabisa ng Search warrant kaninang alas-4:10 ng madaling araw.

Kinilala ang naaresto na si Nestor Salama Solaiman ,47 na taong gulang at residente ng Mercado Street, Barangay Poblacion, Kabacan North Cotabato, pinaniniwalaang isang high value target ang naaresto ng awotoridad kung saan positibong nakuhanan ng shabu, mga drug paraphernalias, mga armas at bala, cards, resibo at pera ng pinaniniwalaang galing sa illegal na pagbebenta ng droga.

Nahuli rin ang asawa nito na si Norhata Salaman Lumpingan, 42 na taong gulang kung saan nasa drug watchlist ng awtoridad, Kabunto Batunan isang high value target, 39 na taong gulang may asawa, at residente ng Kabacan Cotabato at Johari Zombaga 20 na taong gulang ,isang laborer at residente ng Pikit North Cotabato.

Si Nestor Salama ay isang Barangay Chairman ng Barangay Balatongkayo, Datu Montawal Maguindanao, at kasama ang grupo nito na pinaniniwalaang may illegal na transaction sa karatig bayan ng Pikit Cotabato, Kidapawan City at malalapit na bayan na may kaugnayan sa illegal droga.

Nakuha sa operasyon ang 11 sachets ng suspected shabu na may timbang na 43 grams na may estimate value na P 292, 000.0 7 bamboo sealers, 3 disposable lighters, 3 improvised tooters, isang pistol at mga bala, atm cards at pera.

Kasong paglabag sa Article II Section 5 (Sale of Dangerous Drug) Section 11 (Possesion of Illegal Drugs) at Section 12 ( Possession of Drug Paraphernalia) ng R.A. 9165 or The Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 at R.A. 10591 ang kasong haharapin ng mga arestado kung saan nasa kustodiya na ng PDEA ARMM.

- Advertisement -

Leave a Reply

- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -