₱25 Dagdag Sahod Sa Bicol, Naunsyami

0
88

Iriga City — Naunsyami ang pagpapatupad ng ₱ 25 na dagdag sahod ng mga pribadong manggagawa sa Bicol Region matapos na hindi ma-affirm o mapagtibay ng Department of Labor and Employment (DOLE-Manila) at hindi na-publish sa mga peryodiko ang inaprubahang panibagong wage order ng Regional Tripartite Wages and Productivity Board (RTWPB) noong Marso 6 dahil sa CO­VID-19 pandemic.

Ayon kay Francia Ocmer, board secretary ng RTWPB-5, ayon sa inaprubahang wage order, magiging ₱ 335 na sana ang arawang sahod ng mga manggagawa sa Kabikolan kung saan ang dagdag na ₱ 25 ay hahatiin dapat sa dalawang tranche.  Ang unang ₱ 15 ay dapat ipinatupad noong Abril kung napagtibay sana ito ng DOLE-Manila at nai-publish habang Hulyo 1 naman ang pangalawang tranche na ₱ 10.

Dahil dito, binigyang diin ni Ocmer na hindi na maipapatupad pa ang dagdag sahod sa buong Kabikulan. Sa kasalukuyan, nananatiling ₱ 310 ang arawang sahod ng mga manggagagwa sa buong Kabikulan.

 

(Source: Regional Tripartite Wages and Productivity Board- V Bicol)

Leave a Reply