31.5 C
Manila
Friday, April 26, 2024

Seguridad sa pagbisita ni Xi Jinping sa Pilipinas plantsado na

- Advertisement -

Kasado na ang ipatutupad na seguridad ng National Capital Region (NCR) para sa pagbisita sa bansa ni Chinese President Xi Jinping bukas, Nobyembre 20.

Ayon kay NCRPO Chief Police Director Guillermo Eleazar, mahigit limang libong (5,000) pulis ang kanilang ipakakalat mula sa apat na distrito sa Metro Manila at karagdagang puwersa mula sa Region 4-A para magbantay sa seguridad.

Samantala, magdedeploy naman ng aabot sa labindalawang (12) patrol vehicles at tatlumpu’t tatlong (33) motorcycle units ang Highway Patrol Group (HPG) para tiyaking ligtas ang convoy ng Chines President at delegasyon nito.

Habang magsisilbi namang closed in security ni Xi ang Presidential Security Group (PSG).

Kasabay nito, umaasa si Eleazar na magiging mapayapa, tahimik at ligtas ang kauna-unahang pagbisita sa bansa ng Chinese leader.

—-

 

 

 

 

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -