Sabayang bakuna kontra polio sisimulan na

Sabayang bakuna kontra polio sisimulan na

by Powered by DWIZ
0 comment 26 views

Isasagawa na bukas, Lunes (Oktubre 14) ang sabayang patak kontra polio ng Department of Health (DOH) sa ilang rehiyon sa bansa.

Magsisimula ang sabayang bakuna mula Oktobre 14 hanggang 27 sa National Capital Region (NCR), Lanao del Sur, Marawi City, Davao CIty at Davao del Sur.

Samantala, Nobyembre 25 hanggang Disyembre 7 sa buong Mindanao at NCR; Enero 6 hanggang 18 naman ulit sa lahat ng lugar sa Mindanao.

Ayon sa DOH, sa mga lugar na ‘di nabanggit, dapat na kumpletuhin ang bakuna ng bata ayon sa immunization schedule.

Nilinaw din ng DOH na pabakuhanan ang lahat ng batang wala pang limang taong gulang, nabakunahan man o hindi pa.

0 comment

Related Posts