Saab Magalona muling nagdadalang-tao

by Powered by DWIZ
0 comment
Saab Magalona muling nagdadalang-tao

Buntis muli ang singer na si Saab Magalona para sa kanilang ikalawang anak ng mister na si Jim Bacarro.

Ibinahagi ni Saab sa kanyang social media account ang larawan niya habang kalong ang panganay na si Pancho kung saan may caption na excited na ito na maging kuya.

Kita na rin sa larawan ang baby bump ni Saab na binati na rin ng kaniyang mga kaibigan sa showbiz tulad nina Iya Villania, Megan Young, Lauren Young at Dani Barretto.

February 2018 nang isilang ni Saab si Baby Pancho.


View this post on Instagram

Kuya Pancho can’t hide his excitement!

A post shared by Saab Magalona-Bacarro (@saabmagalona) on

—-

 

 

 

 

Related Posts