277 amnesty records kabilang ang kay Trillanes nawawala
October 5, 2018
Curfew sa lungsod ng Heneral Santos, ipinahinto?
October 5, 2018
Show all

Roque pinag-aaralan na ang pagbibitiw sa puwesto

Pinag-aaralan na ni Presidential spokesman Harry Roque ang magbitiw sa kanyang tungkulin bilang tagapagsalita ng Pangulo.

Ayon kay Roque, pakiramdam niya ay hindi sya magiging epektibong tagapagsalita kung hindi naman nila nalalaman ang mga ginagawa o aktibidad ng Pangulo.

I am inclined to believe that perhaps I am not in the position to continue with this current function, as you can see I cannot be effective as a spokesperson unless I know everything about the President. Now people think I lied. I’m telling the nation I did not. I did not know. Pahayag ni Roque

Tinukoy ni Roque ang mariing pagtanggi niya na naospital ang Pangulo pero mismong ang Pangulo ang umaming nagpa check up ito sa ospital.

Sinabi ni Roque na kailangan niya ang weekend na ito upang magnilay nilay kung ano ang kanyang gagawing hakbang.

Orihinal naman aniyang plano talaga na manatili lamang siyang isang taon bilang tagapagsalita habang naghahanda sa pagtakbo sa eleksyon.

Kasama aniya sa kanyang pinag-iisipan ang alok sa kanya ng Pangulo na bagong trabaho sa Malakanyang.

Una rito, sinabi ng Pangulo na hindi mananalong senador si Roque kaya’t bibigyan na lamang nya ito ng ibang trabaho.

Comments are closed.