Radio Philippines Network
Headlines National News

Reed Bank incident dapat imbestigahan – Palasyo

Nanawagan sa China si Presidential spokesman Salvador Panelo na imbestigahan ang pagbangga ng Chinese vessel sa bangkang pangisda ng mga Pilipino na naging sanhi ng paglubog nito.

Sinabi ni Panelo na dapat ring parusahan ng China ang mga sakay ng Chinese vessel dahil inilagay nila sa panganib ang buhay ng mahigit 20 mangingisda nang abandonahin nila ang mga ito.

Binigyang diin ni Panelo na aksidente man o sinadya ang nangyari, idinidikta anya ng sanlibutan na dapat ay sinagip ng crew ng Chinese vessel ang mga mangingisdang Pilipino na sakay ng bangka.

Samantala, tiniyak ni Panelo na nabigyan na ng ayuda ang mahigit 20 crew ng FB Gimber 1 makaraang mailigtas sila ng Vietnamese vessel mula sa pagkalunod.

Related posts

Posibleng pagpapalawig ng ECQ sa Luzon pinag-aaralan ng IATF —Nograles

Powered by DWIZ

COMELEC pinatitiyak na maayos na maitatabi ng mga BEI ang mga balotang hindi tinanggap ng VCM

Powered by DWIZ

Alert Level 1 nakataas pa rin sa Taal volcano — PHIVOLCS

Powered by DWIZ

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More