Pinsala sa pananim dahil sa El Niño pumalo sa mahigit P864-M

by Powered by DWIZ
0 comment
Pinsala sa pananim dahil sa El Niño pumalo sa mahigit P864-M

Pumalo na sa mahigit P864 million ang halaga ng mga pinsala sa mga pananim sa bansa dahil sa tagtuyot bunsod ng nararanasang El Niño phenomenon.

Sa datos ng NDRRMC o National Disaster Risk Reduction and Management Council, partikular na naitala ang pinsala sa mga pananim na palay at mais sa MIMAROPA at Region 12.

Sa nasabing tala, pitong daan at limang milyon ay mula sa region 12 at P128 million naman sa MIMAROPA.

Sa kasalukuyan, anim na lugar na sa bansa ang isinailalim sa state of calamity dahil sa tagtuyot kabilang na ang San Jose sa Occidental Mindoro, Zamboanga City at mga bayan ng M’lang, Alamada, Pikit at Aleosan sa North Cotabato.

Related Posts