PCG nagtaas na ng alert status

by Powered by DWIZ
0 comment
PCG nagtaas na ng alert status

Nakataas na ang heightened alert ng Philippine Coast Guard (PCG) ngayong Semana Santa.

Ipinabatid sa DWIZ ni Coastguard Spokesman Commander Armand Balilo na operational ang lahat ng kanilang units para na rin sa seguridad ng publiko na uuwi sa mga lalawigan.

“Lahat po ng aming mga operating units ibig sabihin yung mga safetyt inspectors, K-9 units, meron din tayong reaction team naka-stand by, pati ang mga barko at eroplano naka-stand by din.” Pahayag ni Balilo.

Interview from Ratsada Balita
—–

Related Posts