Comval SP Member Uy, Clarion receive the regional “CSC Presidential Lingkod Bayan Award”
November 8, 2018
Mayorya pabor sa mandatory drug test sa Grade 4 students pataas—SWS
November 8, 2018
Show all

Papel ng 3 bagong talagang cab officials isinumite na para sa kumpirmasyon

Isinumite na ng Malacañang sa Commission on Appointments (CA) ang papel ng tatlong bagong cabinet members na itinalaga ni Pangulong Rodrigo Duterte para maisalang sa kumpirmasyon.

Kabilang dito sina Foreign Affairs Secretary Teodoro Locsin Jr., Social Welfare and Develpoment Secretary Rolando bauTista at Interior and Local Government Secretary Eduardo Año.

Batay sa appointment letter na isinumite sa CA, itinalaga si Locsin noong Oktubre 11, si Bautista noong Oktubre 17 at si Año nito lamang Nobyembre 5.

Samantala, sinabi ni Majority Floor Leader Vicente Sotto III na posibleng i-appoint na ng Pangulong Duterte si Senador Gringo Honasan bilang bagong kalihim ng Department of Information and Communications Technology (DICT) sa susunod linggo.

Isasabay aniya ito pagbabalik ng session ng Kongreso para hindi aniya maging ad interim ang appointment ni Honasan.

—-

 

 

 

Comments are closed.