29.5 C
Manila
Saturday, April 27, 2024

Pangulong Duterte patuloy na pinagkakatiwalaan si DBM Sec. Diokno

- Advertisement -

Ibinasura ng Pangulong Rodrigo Duterte ang panawagan ng House of Representatives na pag-isipan nito ang pagkakatalaga kay Budget Secretary Benjamin Diokno.

Ayon kay Presidential spokesman Salvador Panelo, bagamat inirerespeto nila ang sentimiyento ng Kamara, nananatiling malaki ang tiwala ng Pangulo kay Diokno.

Sinabi ni Panelo na para sa Pangulo at sa mga miyembro ng gabinete, si Diokno ang isa sa mga pinakamatalino sa official family bukod pa sa walang bahid ng katiwalian ang kanyang reputasyon.


Lacson tinawag na hindi makatarungan ang panawagang pagbibitiw kay Diokno

Tinawag na malupit at hindi makatarungan ni Senador Panfilo Lacson ang panawagan ng mga kongresista na magbitiw sa kanyang puwesto si Budget Secretary Benjamin Diokno.

Ayon kay Lacson, pawang ispekulasyon at wala namang matibay na ebidensya ang mga akusasyon ng mga kongresista laban kay Diokno.

Sa halip na pag-initan si Diokno, sinabi ni Lacson na mas dapat na imbestigahan ng Kamara at maging ng Senado ang mga nabunyag na isiningit na mga pondo sa panukalang budget sa 2019.

Una rito, nagpasa ng resolusyon ang Kamara na humihikayat sa Pangulong Rodrigo Duterte na pag-isipang muli ang appointment ni Diokno sa gabinete sa harap ng kuwestyunableng P75 billion insertion sa panukalang budget.

(Ulat ni Cely Ortega-Bueno)

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -