Pangulong Duterte dadalo sa WEF

0
64

Nakatakdang dumalo si Pangulong Rodrigo Duterte sa WEF o World Economic Forum sa Hanoi, Vietnam sa susunod na buwan.

Ito ang naging kumpirmasyon ni Asia Pacific Region at the World Economic Forum Head Justin Wood kasabay ng pagpapasalamat sa mga dadalong regional government leaders at delegasyon.

Kabilang sa iba pang kumpirmadong dadalo sa WEF sina Cambodia Prime Minister Samdech Techo Hun Sen, Indonesia Prime Minister Joko Widodo, Laos Prime Minister Thongloun Sisoulith, Malaysia Prime Minister Mahathir Bin Mohamad, Myanmar State Counsellor Aung San Suu Kyi, Singapore Prime Minister Lee Hsien-Loong at Vietnam Prime Minister Nguyen Xuan Phuc.

Samantala, wala pang ipinalalabas na opisyal na pahayag ang malakanyang hinggil sa pagdalo ng Pangulo sa WEF na isasagawa simula Septyembre A-onse hanggang A-trese.