Pangulo ng French Republic nangakong ipagagawa ang nasunog na Notre Dame Cathedral

by Powered by DWIZ
0 comment
Pangulo ng French Republic nangakong ipagagawa ang nasunog na Notre Dame Cathedral

Photo Credit: AP 


Nangako si French Republic President Emmanuel Macron na muling itatayo ang Notre Dame Cathedral.

Sa ngayon ay patuloy pa ring tinutupok ng apoy ang sikat na simbahan ngunit naisalba na ang main structure nito.

Ayon kay Macron, bukas ay maglulunsad ng national subscription upang mangalap ng pondo para sa muling pagbangon ng katedral.

Nagsimula ang sunog pasado alas-11:00 kagabi kung saan hinihinalang nagmula ang sunog sa bahagi ng simbahan na sumasailalim sa rehabilitasyon.

Batay sa ulat, posibleng nagmula ang sunog sa isinasagawang renovation sa lugar.

Agad namang nagpatupad ang Paris City Hall ng evacuation sa cathedral habang patuloy na inaapula ng mga bumbero ang sunog.

Matatandaang nire-renovate ang itaas na bahagi ng cathedral sa halagang anim na milyong euro.

—-

 

 

 

 

 

Related Posts