Pagpayag ni Duterte na makapangisda ang China sa PH EEZ maituturing na impeachable offense

by Powered by DWIZ
0 comment
Pagpayag ni Duterte na makapangisda ang China sa PH EEZ maituturing na impeachable offense

Maituturing na impeachable offense ang pagpayag ng Pangulong Rodrigo Duterte na makapangisda sa exclusive economic zone (EEZ) ng Pilipinas ang China.

Ayon kay Atty. Tony La Viña,  malinaw sa konstitusyon ng Pilipinas na eksklusibo para sa mga Pilipino ang yamang dagat sa mga EEZ ng bansa tulad ng sa Recto Bank.

Maaari anyang kasuhan ng culpable violation of the constitution ang pangulo.

Gayunman, kailangan din tanggapin ang reyalidad na ang impeachment ay nakadepende sa numero o dami ng mga mambabatas na nakasuporta sa pangulo.

Related Posts