31.5 C
Manila
Friday, April 26, 2024

P3.4-M halaga ng shabu nasabat ng PDEA sa Maynila

- Advertisement -

Nasabat ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng P3.4 milyon sa isinagawang buy bust operation sa loob ng isang mall sa Malate, Manila.

Batay sa ulat, naaresto ang suspek na si Salahuddin Dayo alias “Bato” na nakuhanan ng nasa 500 gramo ng hinihinlang shabu kabilang na ang P1.5 milyong marked money.

Ngunit depensa ni Dayo, hindi sa kaniya ang nasabing iligal na droga kundi pinasuyo lamang umano ito sa kaniya ng ibang tao.

Nabatid na kakalabas lamang ng kulungan nuong Mayo ni Dayo dahil din sa kasong may kinalaman sa iligal na droga.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -