Ouster plot laban kay Majority Leader Andaya minaliit ni Arroyo

by Powered by DWIZ
0 comment
Ouster plot laban kay Majority Leader Andaya minaliit ni Arroyo

Minaliit ni House Speaker Leader Gloria Macapagal-Arroyo ang umano’y nilulutong planong pagpapatalsik sa kaalyado niyang si Majority Leader Rolando Andaya Jr.

Naniniwala si Arroyo na mayorya ng mga mambabatas ang suportado pa rin si Andaya.

Gayunman, bagama’t suportado niya si andaya, tiniyak ni Arroyo na bilang House Speaker ay paiiralin pa rin niya ang demokrasya sa mababang kapulungan.

Una rito, napaulat na hinihimok umano ni Camarines Sur 2nd District Representative Luis Raymund Villafuerte ang mga kasamahan nila sa Kongreso na patalsikin sa pwesto si Andaya.

Sa isa namang pahayag, sinabi ni Andaya na handa siyang maalis bilang majority leader ng Kamara.

Related Posts