Naarestong ex-PNP official nakatakas matapos maaresto

by Powered by DWIZ
0 comment
Naarestong ex-PNP official nakatakas matapos maaresto

Nakatakas agad isang araw matapos maaresto ang dating opisyal ng Philippine National Police (PNP) na di umano’y lider ng kidnapping group sa Gonzaga Cagayan.

Ayon kay Chief Superintendent Jose Mario Espino, Hepe ng PNP Region 2, nitong Sabado lamang nahuli si Superintendent Johnny Orme, dating hepe ng Intelligence Group ng Parañaque PNP subalit nakatakas rin kinabukasan.

Nakatakda sanang ilipat sa Cagayan Police Provincial Office si Orme mula sa Gonzaga Police Station subalit pinayagan ng mga pulis na dumaan sila sa kanyang bahay para magpalit ng kanyang damit.

Gayunman, nakatakas na si Orme nang makapasok ito sa kanyang bahay.

Si Orme ang itinurong lider ng kidnapping group na dumukot kay Carlos Tan, isang junket operator ng casino sa Pasay City.

—-

 

 

 

Related Posts