Presyo ng pandesal at Pinoy tasty hindi tataas
October 12, 2018
List of candidates para sa 2019 elections ilalabas na ng COMELEC sa Disyembre
October 12, 2018
Show all

Muling pagtakbo ni Senator Nancy Binay sa 2019 opisyal na

Si Senador Nancy Binay ang pinaka-unang naghain ng kanyang certificate of candidacy sa ikalawang araw ng paghahain ng COC.

Kasama ni Binay ang kapatid na si dating Makati City Mayor Junjun Binay at dumaan muna sila sa Manila Cathedral bago nagtungo sa tanggapan ng Comelec.

Ayon kay Senador Binay, pinili niya ang Biyernes para maghain ng COC dahil Biyernes rin nang maghain siya ng COC nang kumandidato siya noong 2013.

Sinabi ni Binay na kung mabibigyan siya ng isa pang termino bilang senador, ibibigay nya ang uri ng serbisyo publikong sinimulan na nya sa unang anim na taon niya sa Senado.

(Ulat ni Aya Yupangco)

 

 

 

 

 

 

Comments are closed.