MRT 3 muling nagka aberya

0
57

Muling nagka problema ang biyahe ng mainline ng MRT 3 kaninang umaga.

Ayon sa advisory ng MRT 3, pasado 8:00 ng umaga nang ma delay ang biyahe ng tren sa Taft Station dahil sa signalling technical concern.

Dahil dito, naantala at naipon ang mga tren sa MRT Taft Station.

Kaagad namang inayos ng on site technicians ng MRT 3 ang problema sa signalling kasabay ang paghingi ng paumanhin sa mga naabalang pasahero.