Mga sumukong preso na napalaya dahil sa GCTA umabot na sa 230

Mga sumukong preso na napalaya dahil sa GCTA umabot na sa 230

by Powered by DWIZ
0 comment 16 views

Umakyat na sa 230 ang mga presong sumuko makaraang makalaya dahil sa Good Conduct Time Allowance (GCTA) law.

Ito ay ayon sa inilabas na datos ng Phlippine National Police (PNP) 6 a.m. ngayong araw ng Miyerkules.

Umabot sa 77 ang bilang ng mga sumuko na may kasong murder, 84 naman sa kasong rape, 23 ang may kasong robbery with homicide, at iba pa.

Samantala, nasa 35 na mula sa nasabing mga sumuko na preso ang naiturn over na sa bucor o bureau of corrections.

0 comment

Related Posts