36.4 C
Manila
Friday, April 26, 2024

Mga Pinoy na lalahok sa ICC probe posibleng hindi palabasin ng bansa

- Advertisement -

Posibleng pagbawalan ng gobyernong lumabas ng bansa ang mga Pilipino na maaaring lumahok sa informal investigation ng International Criminal Court (ICC) hinggil sa war on drugs ng gobyernong duterte at maging sa umano’y mga paglabag nito sa karapatang pantao.

Binigyang diin ito ni Presidential Spokesman Salvador Panelo matapos igiit ang pag-atake ng ICC sa soberanya ng bansa kapag ipinagpilitang magpadala ng team para imbestigahan ang Pangulong Rodrigo Duterte.

Sinabi ni Panelo na may karapatan ang gobyerno na pigilin ang mga nationals nito sa paglabas ng bansa para makiisa sa anumang iligal na aktibidad na laban sa mismong bansa nito.

Maaari aniyang kanselahin ang pasaporte ng mga nais tumestigo sa labas ng Pilipinas.

—-

 

 

 

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -