33.3 C
Manila
Friday, April 26, 2024

Mga mambabatas balik sesyon na ngayong araw

- Advertisement -

Balik sesyon ngayon ang mga mambabatas matapos ang halos isang buwang Halloween break.

Sa Mababang Kapulungan ng Kongreso, inaasahang tatalakayin ang panukalang 3.7 trillion national budget para sa susunod na taon, muling pagbubukas ng imbestigasyon sa Dengvaxia vaccine at ang consolidated impeachment complaints laban sa ilang mga mahistrado ng Korte Suprema.

Samantala, sa Senado, mahigit sa pitumpung panukalang batas naman ang inaasahang ipapasa na sa ikatlo at huling pagbasa.

Batay sa legislative calendar, muling magsasara ang sesyon ng Kongreso sa December 15 para sa kanilang Christmas break at magbabalik sa January 13 subalit muling magbabakasyon sa Pebrero para bigyang daan ang election season.

—-

 

 

 

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -