Mga Lumang Tubo Ng Iriga City Water District, Handa Ng Palitan

by RPN
0 comment
Mga Lumang Tubo Ng Iriga City Water District, Handa Ng Palitan

IRIGA CITY, AUGUST 8, 2019.  Handa ng palitan ng Iriga City Water District at partner netong Prime Water ang kanilang mga lumang tubo ng tubig upang maiwasan ang pagkakaroon ng interruption.

Ito ang siniguro ni Branch Manager Engr. Ervin Pares sa panayam ng Radyo Ronda- Iriga.

Ayon sakanya handa na ang management ng Prime Water upang saluhin ang gagastusin sa rehab ng ICWD kung saan ito’y nakapaman sa kanilang kasunduan sa loob ng 25 na taon.

Sinabi ng opisyal na may mga linya ng tubig na halos apat na dekada na  kung kayat nagkakaroon ng biglaang pagkawala ng tubig dahil sa pagputok nito.

Kasabay nito, siniguro pa ng opisyal na nakahanda rito ang sapat na pondo ng planong sisimulan bago matapos ang kasalukuyang taon.

Ang ICWD ay syang solo service providerng tubig sa loob ng Iriga City.

Related Posts