Mayor Isko nagbabala sa ilang mall sa Maynila na nagbebenta ng nakaw na cellphone

Mayor Isko nagbabala sa ilang mall sa Maynila na nagbebenta ng nakaw na cellphone

by Powered by DWIZ
0 comment 43 views

Nagbabala si Manila Mayor Isko Moreno na ipasasara ang ilang mall sa lungsod kung patuloy na magbebenta ng mga nakaw na cellphone.

Ginawa ng alkalde ang anunsyo matapos ang ginawa niyang pagprisenta sa ilang indibidwal na sangkot sa pagbebenta ng mga ito.

Sa ngayon ay pinatitignan na ni moreno ang ilang mga mall na nagpaparenta ng bentahan ng mga naturang produkto.

Pinasa-saturate ko lahat ng mall, kasi itong mga mall, dati itong mga mall nagkaroon ng habit na nagpapa-upa ng mga tindahan ng cellphone. There’s a rampant of snatching, rampant of holdapping ng cellphone.

Pinasiyasat din ng alkalde sa tulong ng Manila Police District ang mga naturang mall at nakita na “G.S.M.“ o galing sa magnanakaw ang mga ibinebenta.

Sabe ko kay Maj Ibay through Gen. Danao, siyasatin nyo nga ito. Only to find out na itong Tutuban mall at Isetann Recto, meron silang mga establishments na nagtitinda ng cellphone na galing sa nakaw.  Ang tawag namin dyan GSM “galing sa magnanakaw“. — ani Moreno. — ulat mula kay Aya Yupangco (Patrol 5)

0 comment

Related Posts