Malakanyang dumistansya sa arrest warrant laban sa 4 na dating kongresista sa Makabayan Bloc

0
57

Dumistansya ang Malakaniyang sa arrest warrant na inisyu ng Nueva Ecija RTC laban sa apat na dating kongresista mula sa Makabayan Bloc.

Kabilang dito sina Satur Ocampo at Teddy Casinio ng Bayan Muna, dating Gabriela Partylist representative ngayo’y NAPC Chair Liza Masa at Dating Agrarian Reform Secretary Rafael Mariano.

Ang apat ay pina a aresto sa kasong pagdukot at pagpatay kina Danilo Felipe, Jimmy Peralta at Carlito Bayudang na pawang miyembro ng Akbayan Partylist group.

Sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque na dapat hayaang umusad ang ligal na proseso kaugnay sa usapin at iginagalang nila ang kalayaan ng mga korte.