Maja Salvador kinilala bilang kauna-unahang ambassador ng NCCA

by Powered by DWIZ
0 comment
Maja Salvador kinilala bilang kauna-unahang ambassador ng NCCA

Kinilala bilang kauna-unahang dance ambassador ng National Commission for Culture and the Arts o NCCA ang aktres at dancer na si Maja Salvador.

Magiging mukha si Maja ng workshop festival ng NCCA na may titulong “Dance Xchange: the Philippine International Dance Workshop and Festival”.

Gaganapin ang naturang workshop mula Abril 26-30 sa Roxas City.

Magiging bahagi rin si Maja sa pagpapaunlad sa kahalagahan ng sayaw at pagpapalawig sa kultura ng bansa sa pamamagitan ng sayaw.

Lubos naman ang pasasalamat ni Maja hinggil dito at nangakong gagamitin ang kanyang boses at talento para mas makilala ang sining at kultura ng sayaw ng mga Pilipino.

Related Posts