Katarungan para sa OFW na namatay sa Kuwait iginiit

Katarungan para sa OFW na namatay sa Kuwait iginiit

by Powered by DWIZ
0 comment 107 views

Isang kwarenta’y syete anyos na overseas Filipina worker (OFW) ang nasawi sa Kuwait dahil umano sa pagmamalupit ng amo.

Kinilala ni Labor Secretary Silvestre Bello III ang biktimang  si Constancia Lago Dayag, tubong-agadanan, Isabela.

Dinala si Dayag sa Al-Sabah Hospital noong Miyerkules ng gabi pero idineklarang dead on arrival matapos magtamo ng mga pasa at bukol habang may nakita pa umanong pipino sa maselang bahagi ng katawan nito.

Nais ni Bello na papanagutin ng pamahalaan ng Kuwait ang salaring nagmalupit sa OFW.

Inatasan na  ng kalihim  Ang Philippine Overseas Employment Administration (POEA) at Philippine Overseas Labor Office (POLO) sa Kuwait na hanapin ang foreign at local agencies na nagpadala kay Dayag sa naturang bansa.

—–
0 comment

Related Posts