36.4 C
Manila
Friday, April 26, 2024

Kaso ng dengue sa bansa patuloy na nadaragdagan

- Advertisement -

Patuloy ang pagtaas ng bilang ng mga naitatalang kaso ng dengue sa buong bansa.

Batay sa pinakahuling datos ng Department of Health (DOH) Epidemiology Bureau, pumapalo na sa apatnapu’t apat na libo limang daan at animnapu’t anim (44,566) ang naitalang kaso ng dengue sa bansa mula Enero 1 hanggang Marso 9 ng kasalukuyang taon.

Mas mataas ito ng mahigit labing walong libong (18,000) kaso kumpara sa naitalang dalawampu’t anim na libo apatnaraan at walong (26, 408) kaso ng dengue sa kaparehong panahon noong nakaraang taon.

Naitala naman ang pinakamataas na kaso ng dengue sa Central Visayas na umaabot na sa halos limang libo (5,000), sinusundan ng NCR na may higit apatnalibo’t animnaraang (4,600) kaso at Calabarzon na merong apatnalibo’t limang daan at limampu’t siyam (4,559) na kaso.

Dagdag ng DOH, kapuna-puna ang mabilis na pagtaas sa kaso ng dengue sa apat na rehiyon sa bansa kung saan nahigitan na nito ang itinuturing na epidemic threshold.

Kabilang anila rito ang Cagayan Valley, Mimaropa, Western Visayas at Bangsamoro Autonomous Region.

—-

 

 

 

 

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -