Joma Sison hindi na dapat pag-aksayahan ng oras ng pamahalaan — Lacson

by Powered by DWIZ
0 comment
Joma Sison hindi na dapat pag-aksayahan ng oras ng pamahalaan — Lacson

Hindi na dapat ituon ng gobyerno ang atensyon nito kay Communist Party of the Philippines (CPP) founding chairman Jose Maria Sison sa peace talks sa NDF-CPP-NPA.

Ito ang payo ni Senador Panfilo Lacson matapos ang pahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte na plano nitong lumikha ng bagong panel na makikipag-usap sa mga rebeldeng komunista.

Ayon kay Lacson, makabubuting ituon na lamang ng pamahalaan ang peacetalks sa mga rebeldeng hindi nakikinig kay Sison.

Dapat aniyang sabayan ito ng localized peace talks na maaaring maging daan upang matigil na ang limang dekadang problema sa insurgency.

with report from Cely Ortega-Bueno (Patrol 19)
—–

Related Posts