29 C
Manila
Saturday, April 27, 2024

Iriga: Venue para sa pamamahagi ng educational assistance ng DSWD sa CamSur, inilipat sa Capitol Convention Center

- Advertisement -

Noong isang Sabado, problema ang mahaba at siksikan na pila. Ngayon araw, ang pagpunta sa bagong venue ang unang inatupag ng mga estudyante at magulang na taga-Naga City na nais kumuha ng educational cash aid ng DSWD.

Visit RPN DZKI Iriga

Napagdesisyunan ng DSWD-Bicol na gawin ang pamamahagi ngayong ikalawang Sabado sa Capitol Convention Center dahil maliit ang People’s Hall na nasa Naga City Hall compound.

Higit kalahating oras ang biyahe at higit P100 ang pamasahe mula Naga papunta sa bagong venue na nasa bayan ng Pili, Camarines Sur.

Kaya, nagdesisyon si Naga Mayor Nelson Legacion na ihatid at sunduon sila gamit ang ilang sasakyan ng city government.

Nakatakda rin na pakiusapan ng opisyal ang DSWD na sa Naga City gawin sa susunod na mga Sabado, ang payout para sa mga benepisyaryo mula sa Naga at ilang kalapit-bayan para hindi na mahirapan sa pag-claim ng payout.

(Source: Mayor Nelson Legacion Facebook page)

- Advertisement -

Leave a Reply

- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -