32.3 C
Manila
Friday, October 7, 2022

Iriga: APEC pinagana na ang bagong Substation sa Tabaco City

- Advertisement -

Pinagana na ng Albay Power and Energy Corporation ang kanilang bagong 25MVA substation sa Matagbac, Tabaco City.

Visit RPN DZKI Iriga

Ayon kay Apolinario Alvarez, Chief Operating Officer ng APEC, makakatulong ito para maging matatag ang suplay ng kuryente sa Lungsod ng Tabaco at mga bayan ng Malinao, Tiwi, Malilipot at Bacacay.

Dumalo sa aktibidad si Albay Governor Noel Rosal at Tabaco City Mayor Krisel Lagman-Luistro.

Sa naging pahayag ni Gov. Rosal, binigyan diin nito ang kahalagahan ng naturang proyekto para masmaraming mga investors ang mahikayat na maglagak ng puhunan sa unang distrito ng Albay partikular na sa Lungsod ng Tabaco.

Ayon pa sa gobernador, masmapagbubuti pa nito ang suplay ng kuryente sa mga islang lugar ng first district ng lalawigan at dahil dito maisasaayos na rin umano ang mga serbisyong hatid ng Provincial Government of Albay lalo na ang mga proyektong pangkalusugan.

Pinasalamatan naman ni Mayor Krisel Lagman-Luistro ang pamunuan ng APEC sa pagtataguyod ng naturang proyekto na makakatulong para masmapaunlad pa ang ekonomiya ng Lungsod ng Tabaco.

Ang naturang bagong pasilidad ng APEC ay nagkakahalaga ng 23 million pesos.

(Source: Albay Power and Energy Corporation (APEC))

- Advertisement -

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -