Isang commercial model timbog matapos makuhanan ng party drug sa QC
November 6, 2018
KONSEHO SA CDO MOIMBESTIGA SA DRUG BUST KILLINGS
November 6, 2018
Show all

Inflation rate sa Oktubre nanatili sa 6.7 percent

Nanatili sa 6.7 percent ang inflation rate o ang bilis ng pagtaas ng presyo ng mga bilihin at serbisyo para sa buwan ng Oktubre.

Ito pa rin ang pinakamataas na inflation sa loob ng siyam na taon mula noong Pebrero ng 2019.

Ayon kay Philippine Statistics Authority o PSA Undersecretary Lisa Grace Bersales, pangunahing naka-ambag sa mataas na inflation ang presyo ng pagkain, non-alcoholic beverages, pabahay at transportasyon.

Sa kabila nito, nakitaan na ng PSA ng unti unting pagbagal ang pagtaas ng presyo ng mga bilihin.

Samantala, ipinabatid ni Bersales na batay sa kanilang mga datos ay mataas ang inflation sa mga lugar na sinalanta ng bagyong Ompong.

So napansin namin na ‘yung mga rehiyon na dinaanan ni bagyong Ompong ay mataas pa rin ‘yung inflation, specifically CAR Region 2 and MIMAROPA.

Comments are closed.