Ilang kalsada sa Maynila isasara na kaugnay ng gagawing “Lingap Laban sa Kahirapan” ng INC

0
47

Pinaalalahanan ng otoridad ang mga motorista kaugnay ng pagsasara ng Independence Road sa harap ng Quirino Grandstand simula mamayang 6:00 ng gabi.

Kaugnay ito ng isinasagawang paghahanda ng Iglesia ni Kristo para sa pagdaraos ng kanilang programang “Lingap Laban sa Kahirapan” bukas bilang bahagi ng kanilang ika 104 na anibersaryo.

Samantala, sisimulan naman ang pagsasara sa iba pang kalsada sa lungsod ng Maynila simula mamayang hating gabi.

Kabilang dito ang Road 10 mula Moriones Street hanggang Delpan Bridge; Bonifacio Drive mula Delpan hanggang Katigbak Drive, Roxas Blvd mula Katigbak hanggang P. Ocampo Street; East at West Bound Lane ng P. Burgos Avenue mula Lagusnilad hanggang Roxas Blvd.

Gayundin, isasara rin ang Finance Road mula Taft Avenue hanggang P. Burgos Ave; Westbound Lane ng T.M Kalaw mula M.H Del Pilar hanggang Roxas at West Bound Lane ng Quirino Avenue mula M.H Del Pilar hanggang Roxas Blvd.

Magsisimula ang nasabing programa, medical at dental mission ng Iglesia ni Cristo bukas ng 6:00 ng umaga.