31.5 C
Manila
Friday, April 26, 2024

IBF Welterweight Champion Errol Spence pagreretiruhin na umano si Pacman

- Advertisement -

Inamin ni reigning IBF World Welterweight Champion Errol Space Jr. na malaki ang respeto niya kay 8-Division World Champion Manny Pacquiao.

Reaksyon ito ni Spence makaraang sabihin ng Pambansang Kamao na handa siyang kalabanin ang naturang batang boksingero.

Gayunman, matapang na sinabi ni Spence na tapos na ang panahon ni Pacquiao at siya aniya ang magpaparetiro sa fighting senator.

Matatandaang nito lamang weekend ay naipalasap ni Spence ng unang pagkatalo ang kalabang si Mikey Garcia.

—-

 

 

 

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -