Tuesday, May 7, 2024

Suspek sa Silawan slay case nasa kustodiya na ng DSWD

- Advertisement -

Nasa kustodiya na ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang 17-anyos na suspek sa pagpatay kay Christine Lee Silawan sa Lapu-Lapu City, Cebu.

Ayon kay National Bureau of Investigation o NBI Director Dante Gierran, matapos ang isinagawang inquest proceedings sa suspek kahapon, ipinag-utos ng piskalya ang paglilipat nito sa tanggapan ng DSWD.

Ito aniya ay dahil menor de edad ang suspek at hindi maaaring ikulong.

Samantala, isasailalim naman sa forensic examination ng NBI ang narekober nilang cellphone ng suspek para magamit na ebidensiya laban dito.

“Dahil na-assess natin ‘yung cellphone ng bata at pati na rin ng mga kapatid kasi ‘yun ang order ng korte doon sa search warrant na inisyu, we will conduct forensic examination on these gadgets to determine further that there were messages or chats between sa menor de edad na salarin at nung victim.” Ani Gierran


Motibo sa pagpatay

Selos o paggamit ng iligal na droga.

Ito ang tinitignang anggulo ng NBI sa karumal-dumal na pagpatay sa biktimang si Christine Lee Silawan sa Lapu-Lapu City Cebu.

Ito ay ayon kay Director Dante Gierran, bagamat pa-iba iba aniya ang pahayag ng 17-anyos na suspek.

Aniya, batay kasi sa nakuha nilang kopya ng CCTV, nakita umano ng suspek na kasintahan din ni Silawan na may kausap ang biktima na isang lalaki na posibleng ikinaselos naman nito.

Sinabi pa ni Gierran, umamin ang menor de edad na suspek sa pangyayari nang makausap ang ina ni Silawan pero itinuro sa dalawang kasama nitong lalaki ang krimen.

Gayunman, binago aniya muli ng suspek ang kanyang pahayag at sinabing may dalawang lalaking humarang sa kanila ni Silawan habang naglalakad sila sa lugar kung saan natagpuan ang bangkay ng biktima.

“Paiba-iba ang kanyang statement, there was a time nang interbyuhin ito ng nanay ng namatay while under the custody ng NBI inamin niya na siya ang may kasalanan, pointing to another two, may kasama daw siya, inamin din niya na siya ang nakita sa CCTV.” Pahayag ni Gierran

PNP

Samantala, mas pinaigting pa ng Philippine National Police (PNP) Central Visayas ang paghahanap sa dalawang iba pang suspek sa pagpatay sa 16-anyos na si Christine Lee Silawan sa Lapu-Lapu City Cebu.

Kasunod ito ng pagkakaaresto sa 17-anyos na dating nobyo ng dalagita at itinuturing na pangunahing suspek sa pagpatay dito.

Sabado ng gabi nang maaresto ang menor de edad na suspek na umaming may dalawa pang siyang kasabwat sa krimen.

Kasabay nito, inatasan na rin ang PNP Region 7 Crime Lab na magpalas ng ulat mula sa SOCO at resulta ng awtopsiya sa biktima para magamit sa ikinakasang follow up operations ng mga awtoridad.

(Ratsada Balita Interview)

 

 

 

 

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -spot_img