Golden Triangle kinupirmang nasa likod ng nasabat na P2-B shabu sa MICP

by Powered by DWIZ
0 comment
Golden Triangle kinupirmang nasa likod ng nasabat na P2-B shabu sa MICP

Kinumpirma ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) kung sino ang nasa likod ng halos P2 billion halaga ng shabu na kanilang nasabat sa Manila International Container Port (MICP).

Ayon kay PDEA Director General Aaron Aquino, kumpirmadong ang Golden Triangle drug syndicate ang nasa likod nito at patuloy na itinuturing na pinaka-kilala at maimpluwensiyang sindikato ng droga sa buong Asya.

“Yes sila pa rin ang pinaka-notorious at influential drug syndicate sa buong Asya. Umaabot na sila sa Australia, Amerika even sa Europe so talagang grabe ngayon ang pag drug traffic ng grupong ito.” Pahayag ni Aquino.

Samantala, patuloy ding iginigiit ng ahensya ang pagpapairal muli ng death penalty sa Pilipinas.

Ayon kay Aquino, ang kawalan ng death penalty sa Pilipinas ang dahilan kung bakit malakas ang loob ng mga Chinese drug trafficker na tambakan ng droga ang Pilipinas.

Habang patuloy anyang ipinagkikibit-balikat ang pagpapatupad ng death penalty ay patuloy din ang mga sindikato sa pagsasagawa ng mga iligal na aktibidad sa bansa.

“We want to restore death penalty kasi nga every time iniinterrogate natin itong mga Chinese ano ang sinasabi, will they never stop conducting smuggling activities, drug trafficking, pag-luto ng shabu dito sa ating bansa. Eh kasi why? Because wala daw tayong death penalty, tapos nababayaran pa nila yung mga judges, prosecutors sa atin, and eventually they can go home safely. So parang kampante sila dito na gumawa ng illegal activities sa bansa.” Ani Aquino.

interview from Todong Nationwide Talakayan

Related Posts