FOI bill puspusang itutulak sa susunod na Kongreso

by Powered by DWIZ
0 comment
FOI bill puspusang itutulak sa susunod na Kongreso

Puspusang itutulak ng Malakanyang sa Hulyo o sa susunod na Kongreso ang FOI o Freedom of Information Bill.

Ipinabatid ito ni Presidential Communications Assistant Secretary Kris Ablan na siya ring executive director ng FOI matapos i-adopt ng Kamara ang isang resolusyon na nagbibigay ng restriction sa pagkuha ng SALN ng mga mambabatas.

Sinabi ni Ablan na suportado niya ang naunang pahayag ni Presidential spokesman Salvador Panelo na maaaring labag sa konstitusyon ang nasabing resolusyon na taliwas sa isinusulong na transparency and accountability ng Duterte administration.

Nilinaw ni Ablan na hindi na kailangan ng Pangulong Rodrigo Duterte na sumulat pa sa Kongreso para lamang maisabatas ang FOI bill.

Nirerepaso na aniya ngayon ng palasyo ang panukalang FOI matapos makapulot ng mga leksyon sa dalawang implementasyon nito sa sangay ng ehekutibo.

July 2016 nang lagdaan ni Pangulong Duterte ang executive order number 2 na nagbibigay daan sa full public disclosure sa lahat ng transaksyon sa executive department.

Related Posts