Duterte muling hinamon ang Amerika na magdeklara ng giyera vs. China

Duterte muling hinamon ang Amerika na magdeklara ng giyera vs. China

by Powered by DWIZ
0 comment 51 views

Muling hinamon ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Estados Unidos na magdeklara ng giyera laban sa China.

Ito ang naging diretang panawagan ng Pangulong Duterte kung saan tiniyak nito ang pag-invoke ng mutal defense treaty na isang kasunduan sa pagitan ng dalawang bansa.

Ayon sa pangulo, susuportahan niya ang Amerika at hinihimok niya itong ipunin ang lahat ng kanilang 7th Fleet at dalhin sa harap ng China.

Anya, sasama siya sa mga naturang barko ng Amerika kung handa itong sugurin ang China.

Ngunit ayon sa pangulo, dapat rin sumama sa pagsugod ang kanyang mga kritiko na sina dating Foreign Affairs Sec. Albert Del Rosario at dating Ombudsman Conchita Carpio-Morales.

Sa ilalim ng mutual defense treaty ng Amerika at Pilipinas, nakasaad na tutulungan ng Amerika ang Pilipinas kapag mayroong armadong pag-atake mula sa ibang bansa.

0 comment

Related Posts