Malakanyang nagsalita na sa pag-aresto kay Trillanes
September 25, 2018
DOLE dumepensa sa ipinataw na ‘deployment ban’ sa Micronesia
September 25, 2018
Show all

DXDX GenSan
Driver ng van na nagdala sa mga biktima ng Gensan Blast, binigyang pagkilala

Binigyan ng pagkilala ng local government ng Gensan ang isang driver ng pampasaherong van matapos ang di matatawarang kabaitan matapos kusa niyang isinakay ang walong biktima na nasugatan sa nangyaring pamomomba noong September 16 taong kasalukuyan.

Ayon naman sa pahayag ni Atty. Arnel Zapatos, City Administrator ng local na pamahalaan ng lungsod Malaki ang pasasalamat nito sa ginawa ng driver matapos na iniligtas at isinakay nito sa kanyang van ang mga naging biktima na tinamaan ng shrapnels.

Kinilala ang driver na si Dante Baguirin , nasa tamang edad, may asawa at residente ng Koronadal City, South Cotabato, sa kanyang salaysay nakatambay siya sa Crossing Makar, Barangay Apopong ng manyari ang biglaang pagsabog, ng kanyang matanaw ang mga sugatan ay daglian niya itong pinuntahan at agad na tinulungan ang mga nasugatan sa insidente na dalhin sa pinakamalapit na ospital sa lugar.

Bilang pasasalamat, inabutan si Baguirin ng pera ng local na pamahalaan bilang pagkilala at pasasalamat sa ginawa nitong kabayanihan sa panahon ng kalamidad.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *