Davao: Street sweeper kritikal matapos masagasaan ng prime mover

0
0

Kritikal ang lagay ng isang Street Sweeper matapos itong masagasaan ng Prime Mover at tumilapon patungo sa Center Island kaninag 6:00 ng umaga, Agosto 5 sa National Highway, Barangay New Visayas, Tagum City.

Visit RPN DXKT Davao

Kinilala ng PLt. Col. Jay Dema-ala, Hepe ng Tagum City Police Station ang biktima na si Elieta Mejares, 31 taong gulang na nakatira sa brangay Magdaum Tagum City

Ayon sa imbestigasyon, habang tumatakbo ang Prime Mover na minamaneho ni Wilson Simyun sa National Highway patungong Davao City aksidente niyang nasagasaan ang biktima.

Dagdag ni PLt. Dema-ala, nasa Davao Regional Hospital na ang biktima kung saan kritikal ang lagay.

Habang ang Prime Mover at driver naman ay nasa kustodiya na ng Tagum City Police Station.

(News & photo courtesy of Pahayagan Mindanao | Tagum CPS)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here