36.4 C
Manila
Friday, April 26, 2024

Davao: Mga tanim na marijuana pinutol

- Advertisement -

Umabot sa 3,000 na mga tanim ng Marijuana ang pinutol sa mga sakop ng Regional Special Operation Group/Regional Drug Enforcement Unit (RSOG-RDPEU) XI sa pangunguna nila PCapt. William Catipay Jr., at PLt. Wilquin Enciso, sa ilalim ng supervision ni PLt. Col. Ronnie Fabia kasama ang mga iba’t-ibang unit sa Davao del Sur Police Provincial Office pasado alas 8:00 ng umaga, Septyembre 10, 2022 sa Prk. 7, Sitio Lampua, Brgy. Tacub, Kiblawan.

Visit RPN DXKT Davao

Ayon pa ni Plt. Wilquin Enciso na ang may-ari ng mga tanim ay isang miyembro ng B’laan Bandits na si alyas “Sutil” na kinilalang ika-6 sa drug watchlist sa Davao Region.

Hindi nahuli ang suspek dahil nakatakas ito matapos malaman ang ginawang pag raid ng mga awtoridad.

Pinutol at sinunog ng kapulisan ang mga tanim na marijuana.

(Source: RSOG-RPDEU XI | KAMM Media)

- Advertisement -

Leave a Reply

- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -